Kuwentong Insan
Posted by bantugan at 05:36 PM on June 2, 2006.
1.
Sana pala hindi nalang ako natulog buong bakasyon…
2.
Kung gusto mo makabasa ng mga kuwentong bakasyon na puwedeng maisulat sa mga “What I did during my summer break” na sanaysay sa elementary, o ng mga kuwento tungkol sa malalayo at magagandang lugar tulad ng Hong Kong Disneyland, Boracay, o America, hindi mo iyon makikita sa sanaysay na ito. Pero kung gusto mong marinig ang kuwento ko, at ng aking mga pinsan, sige, ituloy mo lang ang pagbabasa.
Hayan, nabalaan na kita. Istorya namin ‘to, baka hindi ka maka-relate. Pero kahit papaano, sana matuwa ka.
Naging napaka-boring ng simula ng bakasyon. Ayun, nabagot lang kami ng insan ko sa bahay. Pagtulog ang naging paborito naming gawain. Hindi ko masisi si insan noon kung bakit kating kati na siyang umuwi ng probinsiya. Sa bagay, doon nga naman, marami siyang kalaro at maraming lugar ang maaring niyang puntahan. Sa probinsiya kasi, hindi mo kailangan ng maraming pera para magsaya.
Si Sonny (o Carlo) ang tinutukoy kong insan. Sa lahat ng mga pinsan ko, siya ang pinakamalapit sa akin. Sa katunayan, minsan naisip ko nang mas malapit pa ako sa kaniya kaysa sa ate ko. Palibhasa simula pa noong bata kami, tuwing bakasyon ng summer at Pasko, palagi siyang nandito sa Maynila, nakatira sa amin. Kahit nga hindi kasama si lola, si Tita May, si Tito Ed, si Tita Sally, o ang tatlo ko pang pinsan sa Quezon, pumupunta pa rin siya sa amin. Natatandaan ko pa ang mga panahong bata pa kami, noong inuuntog pa niya ang sarili niya paulit-ulit habang nagso-sorry kapag ayaw namin siyang patawarin ni ate, noong mga Megazord at Dragonzord ang palagi naming hawak kapag naglalaro kami (kaaway namin noon ‘yung mga Ninja Turtles na alkansiya), at ang masasayang tawanan sa harap ng t.v. o kompyuter habang naglalaro ng Playstation o Starcraft.
Madaldal siya at makuwela lalong lalo na sa kulitan. Madalas niyang pagtripan ang mga nakababata naming pinsan o gayahin ang mga nakakatawang eksena sa telebisyon. Minsan pa nga, pasayaw-sayaw pa siya habang kumakanta. Oo, makulit siya, pero pagdating sa madadramang bagay tulad ng lungkot, pag-ibig, pamilya at buhay, halos hindi mo siya maka-usap. Pakikinggan ka lang niya, igagalaw ang ulo sa tamang mga parte, at maghahanap ng ibang puwedeng gawin.
Ngayon, sa amin muna siya talaga nakatira. Dito siya kasi sa Maynila nagkokolehiyo.
3.
Nang umalis na siya patungo sa probinsiya lalo akong nabato. Wala na ngang masayang magawa, wala pang makakuwentuhan. Doon din muna ako sa kuwarto nina nanay natulog. Tapos parang sinadya, nang magsimula na akong doon matulog, nasira naman ang aircon. Parang impiyerno tuloy doon sa loob nang kuwarto, at hindi lang ito dahil sa init. (Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang ‘Dramatics’ sa ibaba)
Tapos, para na rin akong sinagip ng langit, napanood ko ang pelikulang ‘Little Manhattan’. Nagpasalamat ako at mayroon na naman akong puwedeng pagkaabalahan. Nakisali pa nga ako sa mga Internet Discussions ng napakandang pelikulang ito. Na-adik ako, sobra. (Kung gusto mong makita kung gaano ka-adik, basahin ang Little Manhattan Hangover 1 at 2 sa ibaba) Tapos naputulan kami ng telepono, ‘di na’ko makapag-internet.
Pagkatapos ng isang buong buwan na pinilit kong punuin ng lahat ng maari kong pagkaabalahan (Little Manhattan, pagtugtog ng mga piyesang matagal ko nang iniwan sa piano, at mga miting para sa nalalapit noong Youth Encounter Weekend), nakabalik na mula sa probinsiya si Sonny (o Carlo). May hinala akong hindi naman siya nasabik umuwi. Ang una niyang sinabi sa akin, “Balik ako ulit doon pagkatapos ng Y.E.”
4.
Dumating din ang Y.E. Weekend. Tatlong araw siyang nandoon bilang participant. Tatlong araw naman akong nandoon bilang dakilang tagapagsilbi ng mga participant. Nandoon din ang dati kong matalik na matalik na kaibigan, nahatak kong mag-Y.E. Halos wala naman din akong kakilala doon, kahit sa sponsoring class, ‘di ko naman kasi mga ka-YE ‘yon. Nahatak lang din ako dahil kulang na kulang silang magtatrabaho.
Mukhang naging matagumpay naman ang retreat. Nagsaya naman ang mga participants, palibhasa marami rin silang nakilalang mga bagong kaibigan. Kahit si Sonny (o Carlo, dahil ito ang pagpapakilala niya sa mga ka-YE niya), mukhang nagenjoy rin. Natuwa naman ako dahil kahit papaano, may mga naging ka-close ako mula sa sponsoring class, kuwela! (Para malaman mo kung ano ang YE, sali ka naman! Usap tayo.)
Pag-uwi namin sa bahay nagdesisyon si Sonny. Sabi niya sa’kin, “Detaj (ang tawag niya at ni ate sa akin, wala nang iba pang paliwanag) baka hindi nalang ako umuwi ulit ng probinsiya…”
5.
Noong gabi rin ng Linggo, dumating ang dalawa ko pang pinsan. May na, masyadong huli sa nakasanayan na namin. Dati kasi, basta nagsimula na ang bakasyon, mga April palang, nasa bahay na sila, at dalawang buong buwan kaming nagkukulitan sa bahay, ako, si Sonny (o Carlo), si ate, si Frelan, at si Fritzie. Pero ngayon, wala kaming masyadong pera, ‘di kinaya ni nanay na papuntahin sila agad.
Sina Frelan at Fritzie ang sunod na madalas sa bahay namin. Siyempre, hindi mo maaring makita ang isa kapag wala ang isa pa. Hindi naman sila kambal, pero dahil isang taon lang ang agwat ng mga edad nila, talagang malapit din sila sa isa’t isa. Mga bata pa sila; pareho pa silang nasa elementarya. Palagi silang sabay kapag nagbakasyon sa bahay, at ‘di makakaila ang kuwela at kasiyahan na naibabahagi nila sa kadalasang tahimik at madramang tinitirhan namin Kapag nariyan sila, parang gusto mo na palaging maglaro, makipagkilitian, mag-wrestling, mag-basketol, magpiyano ng kung anu-anong kalokohan, at marami pang iba. Ganoon kagulo ang bahay ‘pag nariyan sila.
Si Frelan ay sikat na sikat sa aming magpipinsan dahil sa mga katagang madalas niyang gamitin. Palibhasa laki sa probinsiya, may punto siyang managalog, at minsan pa nga, malalalim pang salita ang ginagamit niya. Tulad na lamang ng mga ito: Siya nga (tama), umipod ka (umusog ka), at pawang kabulaanan (puro kasinungalingan). Mas nakagugulat pa kapag nag-Ingles na siya. Habang naglalaro kami dati ng basketbol sa Playstation, bigla ba namang umimik ng ‘Keep the change!” Mula sa isang onse anyos na bata, nakatatawang marinig ang mga ganito. Medyo tampuhin naman si Fritzie at mabilis mapikon, na siyang sinasamantala naman ni Sonny (o Carlo). Mahilig siyang maglaro ng Nanay Tatay, Sawsaw Suka, at iba pang larong tulad noon. Pareho silang may kaunting nalalaman sa pagpa-piano kaya madalas silang magpaturo sa akin ng madadaling piyesang mabilis memoryahin. Paborito nila ngayon ang tinuro kong intro ng ‘Pinoy Ako’, sa piano nga lang, hindi sa gitara.
6.
Hindi pa kami masyadong nakakapagpahinga mula sa nakapapagod na YE Weekend, kinabukasan, nagpasiya na si nanay na simulan na namin ang paglilipat ng ilang mga gamit patungo sa bagong bahay. Matagal nang pinlano iyon. Kaya kahit aantok-antok pa kami ni Sonny (o Carlo), nagsimula na kaming maghakot ng mga kahon-kahong gamit mula sa mga kuwarto. Sa bago’s mas maliit na bahay na kami natulog.
Nang makapagayos-ayos na kami sa bagong bahay at nakatayo na ang mga higaan at kainan, nagsimula na ang ritwal namin ng puyatan. Ayon kay ate, sa ganitong paraan daw namin “masusulit ang bakasyon”. Kaso ang problema, antukin ako, hindi ako sanay ng hindi natutulog ng maaga. Pero okay lang, pinipilit ko pa ring panoorin ‘yung mga pelikulang pinapalabas sa TV. Paglingon ko, tinulugan na kami nina Frelan at Fritzie.
7.
Sa swing, sa may basketbol court na katapat lang ng bahay namin, nabanggit ko kay Sonny na gustong gusto ko na ulit magsulat, kaso wala pang panahon. Ang sabi ni insan, “Okey nga ‘yun eh. Ibig sabihin, exciting pa ang bakasyon mo, ‘di mo pa kailangan magsulat.” Tama siya.
8.
Naudlot nga lang ng bahagya ang kasiyahan naming magpipinsan sa bahay dahil kinailangan naming umalis ni ate para naman magsilbi sa Family Encounter Weekend. Ako kasi ang tagatugtog ng mga awitin doon at si ate naman ang nag-aanimate ng mga action songs. May kasama rin kaming ilang mga kaibigan kaya puyatan din. Nasabik na akong umuwi at makigulo ulit sa bahay.
9.
Tinuloy muli namin ang pagpupuyat, panonood ng pelikula, at paglalaro ng baraha, palibhasa tatlong araw nalang kami magkakasama bago sila bumalik ng probinsiya. Pagdating ng Wednesday talagang pinilit namin isingit sa hectic na skedyul ang pagpunta sa SM para makabili ng gamit ang mga bata, at para makapasyal-pasyal naman. Thursday kasi ng madaling araw, susunduin na sila ni Tita Dolly pabalik ng Quezon.
Sabi naming lahat, isang higanteng puyatan na ang gagawin namin, kahit na nilalagnat at nahihilo pa ako. Humina kasi ng sobra ang katawan ko sa dami ng pinaggagagawa ko.
10.
May iba pa rin naman akong mga pinsan sa panig ni nanay. Sina Ate Len, Ate Apple, Paolo, at ang mga beybing si Ica, at Mariella. Si Ate Len nasa China na, si Ate Apple seryoso din sa trabaho, si Paolo hindi naman madalas sa amin, si Ica makulit pero beybi pa, si Mariella naman kaahating pinsan lang namin kaya hindi namin nakikita palagi. Kaya ganoon, kadalasan kaming lima lang ang magkakasamang nagbabakasyon. Okey lang naman, wala akong reklamo. Pero masayang masaya pa rin ako kapag may mga pagkakataong nakukumpleto kaming magpipinsan at sama-samang nagtatawanan.
Wala namang bago doon sa bondingan namin noong gabing iyon:
Bandang 10:30 – nagtulungan kaming balutan ng plastic cover at lagyan ng mga pangalan ang mga bagong nowtbuk nina Frelan at Fritzie. Si Sonny (o Carlo) nagbabasketbol pa sa labas ng bahay. Uminom na rin ako ng gamot.
Mga 12:15 – Naglaro kami ng Playstation (Rugrats: Studio Tour) habang patingin-tingin sa Cartoon Network, sinusubaybayan kasi namin ang Pokemon. Madrama pa nga iyong episode eh, dapat iiwan na ni Ash si Pikachu dahil nakahanap na ito ng mga ka-uri niya pero pinili pa rin siya nito. Uminom na rin si Sonny (o Carlo) ng pangalawa niyang kape noong gabing iyon (Bago pa kami umalis papuntang SM iyong una).
Bago mag-2:30 – Inaantok na talaga ako, tinatawag na nga ako ni Sonny (o Carlo) na Chinito eh. Habang siya hyper na hyper pa dahil sa kape. Nagsimula na silang magbaraha pero hindi na ako sumali, nakinood nalang ako. Naglaro silang apat ng pusoy dos, heart attack, at bluff. Nagtatawanan sila pero antok na antok na si Fritzie at maya-maya nakatulog na siya. One down. Dahil naka-apat na oras na rin, uminom na ulit ako ng gamot, at uminom naman si Sonny (o Carlo) ng ikatlong tasa niya ng kape.
Pagpatak ng 5:00 – kahit na pinilit pa naming maglaro ng Gundam at Dragonball sa Playstation halatang inaantok na kaming lahat. Ako na rin ang nagsabi na matulog na kami. Medyo nahihilo na pati ako noon. Kahit na gusto pa sana ni ateng ituloy ang puyatan, sumunod na rin naman siya. Pumasok na siya sa kuwarto nila at natulog. Two down. Doon na sa kuwarto namin ni Sonny (o Carlo) pinatulog si Frelan. Plano na talaga naming matulog noon. Pero pagtingin namin sa bintana, asul na ang langin hindi na itim.
11.
Matagal ko nang gustung-gustong makita ang pagsikat ng araw. Mas gusto ko pang panoorin iyon kaysa sa paglubog, pero ni minsan hindi ko pa ito nagagawa.
Sinabi ko ito kay Sonny (o Carlo). Sinagot naman niya ako, “Gusto mong panoorin ngayon? Baka kita mula sa basketbol court sa labas.” Nagulat ako, siguro ‘yung kape pa rin ang nagsasalita.
Pinatulog na ulit namin si Frelan kasama ng nanay niya at lumabas na kami ng bahay. Doon nakita namin ang dilaw na liwanag na nakikipagtalo sa asul na langit, wala pa ang araw. Mula sa aking likuran narinig ko si insan, “Grabe ano? Hindi na talaga tayo natulog. Buti hindi ka pa binibinat.”
Sumagot ako, nakatalikod pa rin sa kaniya, “Oo nga eh. Baka pinakinggan ni Lord ‘yung dasal ko, huling araw na kasi natin ‘to kasama sina Frelan eh.”
Sabi niya, “Siguro nga. Tsaka marami ka namang napasayang tao sa hindi mo pagtulog eh.”
Oo, makulit siya, pero pagdating sa madadramang bagay tulad ng lungkot, pag-ibig, pamilya at buhay, halos hindi mo siya maka-usap.
Talagang lumingon ako para siguruhing sa kaniya nga galing ang pangungusap na iyon. Tama, si Sonny nga ang may sabi, ang insan ko, kakilala ko mula pa nang magkaisip ako. Hindi naman naging kahiya-hiya o katawa-tawa ang pagkakataong iyon. Napangiti lang ako ng onti at sinabing, “Puwede.”
12.
Pumunta kami ni Sonny doon sa swing na malapit sa basketbol court, paduyan-duyan habang nag-uusap tungkol doon sa hinihinala kong nagugustuhan niyang babae ngayon. Nagkalabu-labo nga lang ata sila. Tinanong ko siya kung nagkaokeyan na sila, sumagot naman siya ng, “oo.” Patuloy pa rin daw silang nagte-text, pinatulog na nga lang daw niya at puyat na rin.
Hindi pa rin namin tanaw ang araw, natatakpan din palibhasa ng mga bahay. Inaya ako ni Sonny na mag-ikot doon sa blokeng iyon at baka may mas klarong puwesto kung saan makikita namin ang pagsikat ng araw. Sa aming paglalakad, naisip namin si ate. Sayang, hindi namin siya kasama noon. ‘Di nagtagal, nakakita nga kami ng kanto kung saan kitang kita ang liwanag. Wala pa rin ang araw kaya naisip nalang naming bumalik ng bahay. Sa daan pabalik, natanaw namin ang van na susundo kina Frelan, Fritzie, Tita May, at Lola Deli.
Nagmadali kami sa paglalakad at nadatnan namin ang mga tao sa bahay na nagbubuhat na ng mga gamit paakyat ng van. Tumulong kami ni Sonny sa pagkakarga ng mga maleta at kahon na dadalhin nila pauwi. Wala nang umiimik sa aming lahat. Pagkatapos ng malulungkot na pagyakap, paghalik, at pamamaalam, sumakay na ang aking mga pinsan.
Ang bilis…
6: 00 na nang umalis ang van. Huling mga kaway nalang at sa Pasko na ulit kami magkikita-kita. Napansin ko bigla na nariyan na ang araw, nakangiti na at sinisilaw kaming dalawa ni insan. Nakakaantok pala ang mga unang sinag ng araw.
Sayang, ‘di ko na nakita ang mismong pagsikat ng araw, pero okey lang. Okey lang talaga…
13.
Habang sinusulat ko ang sanaysay na ito, nandoon si Sonny (o Carlo), nanonood ng telebisyon. Medyo nababagot na naman siya, paantok-antok pa. Pero magpapasukan na rin naman eh, konting tulog nalang…

2 comments
gladdys (guest)
screamingsappho